I met this cute little boy kanina sa ceng. His name was Julian.
Kanina, while I was walking along the campus I heard someone, sabi "pssst." tas pagtingin ko may batang lalaki dun sa loob ng kotse mga 6-7 yrs old ata, half open yung window tas yung hand gestures niya parang pinapapunta ako sa kanya. Natakot ako bigla, kasi di ko naman siya kilala, tas sabi ko "Ha, ako?" then sabi niya. "Wala akong kasama dito." OM, kinilabutan ako. The way na pagsabi niya kasi para siyang mumu, ewan basta, praning lang ata ako. haha! Tas lumapit ako, tas sabi niya ulit iniwan daw siya nung kasama niya, si Kuya Tepen daw. Kanina pa kasi daw umalis tas di pa bumabalik, tas tumuro siya sa labas, dun sa may papa-photocopy-yan. Sabi ko hindi ko kilala kuya niya, baka pabalik na rin yun. "kanina pa kasi siya tapos di pa siya bumabalik" sabi nung bata. Tiningnan ko teary-eyed, OMyG baka mapagbintangan pa ako ditong nagpapaiyak ng bata. Kaya nag-stay na lang ako dun hanggang bumalik kuya niya. Tas ayun chika-chika lang kami nung bata, close na nga kami LOL, hanggang dumating kuya niya, ang scary ng dating, maka-smile na lang nga. haha. So ayun, Nagbye na ako dun sa bata. Baka isipin pa nitong kuya niya kinikidnap ko kapatid niya, itsurang maangas pati.


















